Inihahandog ng Korea Support Center for Foreign Workers ang iba’t ibang programang pang-edukasyon upang matulungan ang mga dayuhang manggagawa na mapabuti ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa Korea. Ang mga programang pang-edukasyon ay isinasagawa sa loob ng 5 buwan tuwing semestre ng tagsibol & taglagas (spring & fall semesters). Bukod pa rito, ang mga programang ito’y nahahati sa mga kurso ayon sa inyong level.
Ang mga nais sumali sa programang pang-edukasyon ay kinakailangang personal na bumisita sa center at saka kumuha ng level test upang maitalaga naming kung saang klase kayo nabibilang.
Maaari rin kayong mag-apply sa kalagitnaan ng semestre.
Korean Language Class & Taekwondo Class
• Linggo (1 beses sa 1 linggo na klase), 5-buwan na kurso sa loob ng isang semester
• Kurso: beginner’s class, intermediate class, advance-level class (klase para sa mga naghahanda para sa Korean Language Proficiency Test) , Taekwondo Class
Para sa Spring Semester:
Isasagawa ang registration sa January 26, 2014 (Linggo) hanggang February 23, 2014 mula 1:00~5:00 ng hapon.
Magsisimula ang klase sa February 9, 2014 (Linggo)
***para sa mga katanungan tumawag lamang sa hotline (1644-0644, press 7 for Filipino)***