Q: Nakapag-extend na po ang amo ko para sa 1 year and 10 months. Sabi po nila, na-extended na rin 'yung sojourn period ko via internet. Pero wala naman pong tatak yung alien card, okay lang po ba 'yun?
A: Ngayon ang extension ng sojourn period (visa) ay maaari ng gawin through internet. Ang importante'y okay lahat ng requirements ninyo at nakapasa kayo sa screening for extension of sojourn period. May makukuha kayong resibo o proof of extension kapag naisagawa ito over the internet. So kahit walang tatak ang alien card ninyo, okay lang 'yun. Ang mahalaga ay may kopya kayo ng proof of extension (체류기간 연장확인서).
Subalit, syempre kapag may crackdown, maaari kayong mapasama sa mga mahuhuli dahil walang naka-indicate sa alien card ninyo. Gayunpaman, madali namang mache-check sa system ng immigration kung kayo'y legal pa o hindi na.
So kung nangangamba pa rin po kayo, dalhin niyo lang sa immigration ang mga documents at magpapatatak na lang kayo doon para sigurado.
Sa mga may tanong sumali po kayo sa Facebook Group namin : Korea Migrants' Center (https://www.facebook.com/groups/199051573558456/). Mag-PM po kayo sa Group Admin: Katherine Corteza KM Center (https://www.facebook.com/katherineann.corteza). ISULAT NINYO ANG PHONE NUMBER AT TUNAY NA PANGALAN KAPAG NAGPI-PM. HINDI PO NAMIN SINASAGOT ANG MGA TANONG NA WALANG PHONE NUMBER & PANGALAN. Kung wala pa po kayong telepono, iindicate niyo po sa PM ninyo. Maraming salamat po.