HOME | SEARCH | LOG IN | SIGN UP
Introduction Consultation Education Events Medical Services Media Open Board
News Release
Photos Gallery
Notice/Announcement
Other Information
Funny Corner/ Tawa Naman Diyan
Event Schedule
Links to Related Sites
- Seoul
- GyeongGi-Do
- InCheon
- GwangJu
- DaeGu
- BuSan
- GangWon
- GyeongSangNam-Do
- GyeongSangBuk-Do
- JeolLaBuk-do
- JeolLaNam-do
- ChungCheongNam-Do
- ChungCheongBuk-Do
- JeJu-Do
column
 Home > Open Board > column > NOTIFICATION MULA SA IMMIGRATION, EXTENSION NG 1 YEAR & 10 MONTHS

    NOTIFICATION MULA SA IMMIGRATION, EXTENSION NG 1 YEAR & 10 MONTHS
    Admin     2013/09/11 11:05 am

Q: Two months na lang at malapit ng mag-expire ang visa ko. Pinadalhan na nga ako ng Immigration Office ng Notice para rito. Ipinakita ko ito sa employer namin, at sinabi ko sa kanya na dapat na niya akong i-extend ng 1 year and 10 months para maextend ang visa ko, pero sabi niya "나중에" (later) na raw. Nag-aalala ako baka 'di na ako ma-extend, ano ang gagawin ko?

A: Una sa lahat, kailangan ninyong malaman na ang notification mula sa immigration office ay ipinapadala 2 buwan bago matapos ang visa ninyo (laging ganyan). Subalit ang application para sa extension ng 1 year and 10 months ay maaari lang isagawa 1 buwan bago matapos (BEFORE EXPIRATION) ang ika-3 taon ng employment period (o pangatlong taon) ninyo. Sa madaling salita, hindi kayo pwede mag-apply agad ng extension ng visa hanggang hindi niyo pa nakukuha ang renewed employment permit mula sa Labor. So, wala kayong magagawa kundi maghintay na mai-apply kayo ng amo ninyo sa Labor at makuha ang permit.

Q: Nakapag-apply na kami ng extension para sa 1 year and 10 months, dalawang linggo bago mapaso ang 3 year employment period ko. Nang mai-extend ako ng amo ko, nagreklamo ako sa Labor dahil sa maling pasahod nila at dahil gusto kong magparelease. Nakapagsampa ako ng demanda at magkakaroon na ng hearing. Isang linggo bago mapaso ang visa ko, nagpunta ako ng Immigration para magpa-extend ng visa, pero sabi sa Immigration hindi na raw ako pwedeng mag-extend dahil binawi ng amo ko ang extension ko at pinapauwi na ako. Bakit hindi ako pwedeng mag-extend e nakuha ko na ang renewed employment permit ko?

A: Magsisimula pa lang ang extension na 1 year and 10 months after mapaso ang 3 year employment period ninyo. Kaya naman, sakaling bawiin ng company ninyo ang sponsorship ninyo para extension ng 1 year and 10 months, wala na kayong magagawa. Kailangan niyo ng umuwi, otherwise magiging TNT na kayo.

NOTE: Hindi rin kayo makakapag-extend ng 1 year and 10 months kapag may restriction ang company ninyo mula sa Labor (ex. mga kumpanyang nahulihan ng TNT, mga kumpanyang nagka-kaso sa Labor at nacancel ang kanilang permisong kumuha ng foreign workers, atbp.).

Q: Sabi ng dati kong kasama dito, nahulihan daw kami ng TNT dati. Ibig sabihin po ba noon, e hindi na eligible ang company namin na iextend kami para sa 1 year and 10 months?

A:Hindi ko po mache-check kung cancelled na 'yung employment permit ng company ninyo or hindi. Labor lang po ang may alam niyan at company ninyo. EXAMPLE LANG PO 'YUN at HINDI NECESSARILY NA GANUN NA NGA 'YUN. Pero in case na cancelled nga ang employment permit ng company ninyo at hindi na sila pwedeng mag-hire pa ng foreign employees, wala po tayong magagawa. Kailangan niyo na pong umuwi kundi mati-TNT na po kayo kapag nag-expire ang visa ninyo.


Para sa iba pang mga tanong kaugnay ang 1 year & 10 months extension: http://www.migrantok.org/english/viewtopic.php?t=654 at http://www.migrantok.org/english/viewtopic.php?t=674

Sa mga may tanong sumali po kayo sa Facebook Group namin : Korea Migrants' Center (https://www.facebook.com/groups/199051573558456/). Mag-PM po kayo sa Group Admin: Katherine Corteza KM Center (https://www.facebook.com/katherineann.corteza). ISULAT NINYO ANG PHONE NUMBER AT TUNAY NA PANGALAN KAPAG NAGPI-PM. HINDI PO NAMIN SINASAGOT ANG MGA TANONG NA WALANG PHONE NUMBER & PANGALAN. Kung wala pa po kayong telepono, iindicate niyo po sa PM ninyo. Maraming salamat po.

view list 

Jump to:  


KMcenter 137-1 Garibong 1 Dong, Guro-Gu, Seoul. TEL:02-6900-8002 FAX : 02-6900-8001 E-mail : info@migrantok.org
Copyright by 2004 MigrantWorkers Center in Korea. All right, reserved. Representative : Son Jong Ha
Supported by ONTOIN