HOME | SEARCH | LOG IN | SIGN UP
Introduction Consultation Education Events Medical Services Media Open Board
News Release
Photos Gallery
Notice/Announcement
Other Information
Funny Corner/ Tawa Naman Diyan
Event Schedule
Links to Related Sites
- Seoul
- GyeongGi-Do
- InCheon
- GwangJu
- DaeGu
- BuSan
- GangWon
- GyeongSangNam-Do
- GyeongSangBuk-Do
- JeolLaBuk-do
- JeolLaNam-do
- ChungCheongNam-Do
- ChungCheongBuk-Do
- JeJu-Do
column
 Home > Open Board > News Release > Mga Kumpanyang Higit sa 50 Empleyado, maaaring Mag-hire ng Dayuhang Manggagawa kung Hindi Makakakuha ng Lokal na Manggagawa

    Mga Kumpanyang Higit sa 50 Empleyado, maaaring Mag-hire ng Dayuhang Manggagawa kung Hindi Makakakuha ng Lokal na Manggagawa
    Admin     2012/07/23 5:40 pm
Mga Kumpanyang Higit sa 50 Empleyado, maaaring Mag-hire ng Dayuhang Manggagawa kung Hindi Makakakuha ng Lokal na Manggagawa
 
Ang mga kumpanyang nagnanais na mag-hire ng mga dayuhang manggagawa (E-9) ay kinakailangan munang aktibong maghanap ng lokal na manggagawa. Inaasahan na isasagawa ito ng mga kumpanya ng buong katapatan.
 
Sangayon sa Ministry of Labor and Employment (MOEL), simula sa Agosto ang mga kumpanyang may mahigit na 50 empleyado na nagnanais kumuha ng mga dayuhang manggagawa ay kinakailangan munang aktibong magrecruit ng mga lokal na manggagawa. Sa ikalawang pagkakataon at tinanggihan ng kumpanya ang pagrerecruit sa lokal na manggagawa ng walang  makatwirang dahilan, hindi rin sila papayagan ng MOEL na mag-hire ng dayuhang manggagawa.
 
Base sa ebwalwasyon ng MOEL, ang mga kumpanya namang may 49 na empleyado pababa, ang lokasyon ay nasa downtown, at masasabing maayos ang kapaligiran para sa pagtatrabaho ay kinakailangan ding aktibong isagawa ang paghahanap ng lokal na manggagawa.
 
Simula noong Agosto 2004, ang employment permit para sa mga dayuhang manggagawa ay ipinagkakaloob para sa mga kumpanyang hindi makapaghanap ng lokal na manggagawa.
 
Sangayon sa Batas para sa Pagtatrabaho ng mga Dayuhang Manggagawa, kinakailangan ng mga kumpanyang sumailalim sa 14 na araw na paghahanap ng lokal na manggagawa.
 
Sa panahong ito, ang nasabing kumpanya ay kinakailangang magparehistro sa Job Center (고용센터) para paghahanap ng lokal na manggagawa. Sa ikalawang pagkakataong tinanggihan ng kumpanya ang inirekomendang manggagawa ng Job Center ng walang sapat na dahilan, hindi na ito papayagan pa ng MOEL na mag-employ ng dayuhang manggagawa.
 
Sa mga nakalipas na taon, ang mga nabibigyan lamang ng pagkakataong makapag-employ ng dayuhang manggagawa ay iyong mga maliliit o small-scaled businesses dahil sila ang nakakaranas ng kahirapan sa pagsunod sa probisyon para sa paghahanap ng lokal na manggagawa. Subalit, sa mga panahong nakalipas hanggang sa kasalukuyan, malaki na rin ang itinaas ng bilang ng mga dayuhang manggagawa.
 
Samakatuwid, masasabing mas tumataas din ang pangangailangan ng mga kumpanya para sa mga dayuhang manggagawa. Bukod pa rito, sangayon sa istatistiko ng Kahirapan ng Paghahanap ng Trabaho sa Korea (2012.05: 10,683,000 kabuuang bilang ng manggagawa), marami pa rin ang hindi nakakahanap ng trabaho.
 
Lalo na iyong mga kumpanyang higit sa 50 katao ang bilang ng empleyadong insured at kasalukuyang may dayuhang manggagawa ay umaabot sa 4,700 na kumpanya. Ang kabuuang bilang ng dayuhang manggagawang kanilang nabigyan ng trabaho ay mahigit sa 46,000 katao.  
 
Ipinagpapalagay ng MOEL na ang mga kondisyon sa pagtatrabaho at ang pinansiyal na katayuan ng mga kumpanyang ito’y higit na mas mabuti kaysa sa mga maliliit na kumpanya kung kaya’t mas hinihimok sila ng MOEL na mas maging aktibo sa paghahanap ng lokal na manggagawa.
 
Kung kaya naman ang mga kumpanyang mayroong 50 empleyado pataas o mga kumpanyang hindi hihigit ang empleyado sa 50 katao ay hihimukin na mas maging aktibo sa paghahanap ng lokal na manggagawa, lalo na’t kung ang mga ito’y masasabing mabuting kumpanya base sa ebalwasyon ng MOEL. Sa ikalawang pagkakataong tinanggihan nila ang pagha-hire sa lokal na manggagawa ng walang sapat na dahilan, hindi na sila papayagan ng MOEL na kumuha ng dayuhang manggagawa.
 
Sa ibaba nakasulat ang tatlong bagay na makakapagsabing hindi makatwiran ang dahilan ng kumpanya sa pagtanggi sa lokal na manggagawa:
     Basta na lamang na pagtanggi sa pagrerecruit ng lokal na manggagawa
     Kahit na nakatanggap ng referral mula sa Job Center, hindi nito isinasagawa ang proseso ng pagha-hire (hiring process) para sa lokal na manggagawa (Hal. Hindi pagbibigay ng interview ng walang sapat na dahilan, atbp.)
     Kapag ang lokal na manggagawa ay pasok sa lahat ng kondisyon sa recruitment na ibinigay ng kumpanya subalit hindi siya tinanggap ng kumpanya sa hindi makatwirang kadahilanan.
 
Gayunpaman, bagama’t ang mga kumpanyang hindi sumunod sa pagrerecruit ng lokal na manggagawa ay hindi papayagang magrecruit ng dayuhang manggagawa, ang mga kumpanya naman na may sapat na dahilan o kaya iyong mga nag-employ ng lokal na manggagawa subalit hindi tumagal ang pagtatrabaho nito sa kumpanya’y papayagan pa ring mag-hire ng dayuhang manggagawa.
 
Sangayon sa MOEL, ang paghahahanap ng lokal na manggagawa ay obligasyon ng bawat kumpanya. Kasalukuyang inihahanda ang mga batayan para sa pagpapatupad ng nasabing regulasyon. Sisimulan ang pagpapatupad nito sa darating na Agosto.
 
Sa kabilang banda, magkakaroon na ng kategorya para sa puntos para sa aktibong paghahahanap ng lokal na manggagawa. Ang puntos na ito’y gagamitin upang maging batayan kung maaaring makakuha ang kumpanya ang employment permit para sa pagha-hire ng bagong dayuhang manggagawa.
 
Sa pamamagitan ng bagong ipatutupad na regulasyon, inaasahan ng MOEL na mas dadami na ang bilang ng mga lokal na manggagawang magkakaroon ng trabaho. Bukod pa rito, nakikitang mas magiging maluwag ang pagha-hire ng mga small-sized businesses ng mga dayuhang manggagawa.
 
*** Makikita ang orihinal na kopya ng balita sa wikang Koreyano sa website ng MOEL (http://news.moel.go.kr/newshome/mtnmain.php?sid=&stext=&mtnkey=articleview&mkey=scatelist&mkey2=41&aid=2792&bpage=1) ***
 
*** IMPLIKASYON: Sa darating na Agosto, may bagong batas tungkol sa pagpapalit ng trabaho (http://migrantok.org/english/viewtopic.php?t=587). Bukod pa rito, ang panibagong regulasyon na binanggit sa itaas. Nangangahulugan lamang na mas lalong magiging mahirap ang pagkuha ng trabaho ng mga dayuhang manggagawang nagparelease.  Dahil una, mas magiging mahigpit na ang compliance ng mga kumpanya sa pagkuha ng manggagawang Koreyano. Saka lamang sila makakakuha ang dayuhang manggagawa kung talagang wala silang makuhang manggagawang Koreyano. Pangalawa, dahil ang referral ay ibibigay na sa mga employers, kinakailangan lamang maghintay ng mga EPS workers na sila’y tawagan ng kumpanya at i-hire sila ng mga ito. Sa pagkakataong hindi pa rin sila makakuha ng trabaho sa loob ng 3 buwan, kinakailangan nilang bumalik ng kanilang bansa kung hindi’y magiging TNT sila.
 
Kaya naman pinaaalalahanan ang lahat ng magpaparelease na pag-isipang mabuti ang inyong pagpaparelease. Lalo na’t maaaring ibigay ng Job Center ang lahat ng records ninyo sa mga kumpanyang naghahanap ng EPS workers. Lagi ninyong alalahanin na laging 3 ang irerekomenda ng Job Center sa bawat kumpanya.
 
***para sa mga katanungan, tumawag sa 1644-0644 ***
 
Maraming salamat po!
view list 

Jump to:  


KMcenter 137-1 Garibong 1 Dong, Guro-Gu, Seoul. TEL:02-6900-8002 FAX : 02-6900-8001 E-mail : info@migrantok.org
Copyright by 2004 MigrantWorkers Center in Korea. All right, reserved. Representative : Son Jong Ha
Supported by ONTOIN