Marami po ang nagrereklamo na hindi sila makatawag sa hotline (1644-0644).
Wala po itong area code at medyo may katagalan po bago ito mag-ring. Kapag nag-ring po ito, may maririnig kayong magsasalita ng Korean at hintayin po ninyo ang menu. Pindutin ang number 7 para sa Filipino/Ingles. Kung hindi niyo po pinindot ang number 7, didirekta po ito sa operator at saka kayo itatransfer sa Filipino representative.
Kung talaga pong urgent at 'di pa rin kayo makatawag sa hotline, tumawag po kayo sa 02-6900-8022.
Maraming salamat po!