HOME | SEARCH | LOG IN | SIGN UP
Introduction Consultation Education Events Medical Services Media Open Board
News Release
Photos Gallery
Notice/Announcement
Other Information
Funny Corner/ Tawa Naman Diyan
Event Schedule
Links to Related Sites
- Seoul
- GyeongGi-Do
- InCheon
- GwangJu
- DaeGu
- BuSan
- GangWon
- GyeongSangNam-Do
- GyeongSangBuk-Do
- JeolLaBuk-do
- JeolLaNam-do
- ChungCheongNam-Do
- ChungCheongBuk-Do
- JeJu-Do
column
 Home > Open Board > News Release > Gabay sa Patakaran sa Pagpapalit ng Trabaho ng mga EPS Workers (E-9)

    Gabay sa Patakaran sa Pagpapalit ng Trabaho ng mga EPS Workers (E-9)
    Admin     2012/07/13 4:26 pm
  2 001.jpg(360.23KB)  Downloaded: 1278

upang maiwasan ang pakikipag-ugnayan sa (job placement) brokers
 
Gabay sa Patakaran sa Pagpapalit ng Trabaho ng mga EPS Workers (E-9)
 
simula sa ika-1 ng Agosto, 2012, ang Job Center (고용센터) ay hindi na magbibigay ng listahan (i.e. referrals) ng mga kumpanyang naghahanap ng mga dayuhang  manggagawa

 

¢ Nilalaman ng mga Pagbabago ¢

 
1. Pagbabago ukol sa Paraan ng Pagpapalit ng Trabaho: ang job placement ay ipagbibigay-alam sa mga employers na naghahanap ng mga dayuhang manggagawa
 
m Kung noon, ang mga EPS workers (E-9) na nagparelease ay nakakatanggap ng listahan (o referrals) ng mga kumpanyang nagha-hire ng dayuhang manggagawa, simula sa ika-1 ng Agosto 2012, sa mga employers na namin ibibigay ang listahan ng mga dayuhang manggagawang naka-release. Samakatuwid, hindi na kami magbibigay ng listahan sa mga EPS workers na naghahanap ng trabaho.
m Sa isang kumpanyang nagha-hire ng dayuhang manggagawa, magrerekomenda ang Job Center ng 3 beses ng kinakailangang bilang ng manggagawa sa kumpanyang ito. Ang job referral form (알선장) na ito’y valid lamang sa loob ng 3 araw.
m Kinakailangang tawagan ng employer ang dayuhang manggagawa upang maiproseso ang paglilipat niya ng trabaho. Mapapabilis ang paglilipat ng trabaho kapag nakapagdesisyon na ang employer matapos niyang interbyuhin ang mga dayuhang manggagawa.
m Kung sa ikatlong beses na rekomendasyon at sa makatwirang kadahilanan ay tinatanggihan pa rin ng dayuhang manggagawa ang inirekomendang trabaho, sila ay bibigyan ng notipikasyon at saka suspindihin sa loob ng 2 linggo ang kanilang paghahanap ng trabaho (pagkalipas ng araw ng suspensyon ay saka pa lamang sila maaaring maisama sa referrals)
 
2. Pansamantalang Suspensyon sa Operasyon ng Sistema ng Pagtatalaga ng Pagbibigay ng Trabaho (Araw ng Pagkikita para sa Pagkuha ng Trabaho, “Sajang Day” atbp.)
 
m Pansamantalang ititigil ang sistema ng pagbibigay ng espesyal na permiso para sa pagtatalaga ng pagbibigay trabaho (“sajang day”, atbp.) Hindi na rin papayagan ang pagkakaroon ng verbal contract sa pagitan ng dayuhang manggagawa at employer at saka magkikita kunwari sa job center tuwing “sajang day.” At upang maiwasan din ang paggamit ng broker para sa job placements.
 
* Para makatanggap ang employer ng referrals, isang beses lamang kikilalanin ang dahilan sa pagpapalit ng mga kondisyon o requirements para sa pagha-hire ng kumpanya ng mga dayuhang manggagawa. Ito rin ay upang maiwasan ang negatibong epekto ng di makatwirang ilang ulit na pagpapalit ng requirements o kondisyon para sa trabaho.
 
3. Pagpapatibay ng Paggamit ng Serbisyong Pagsasalin-salita
 
m Sa araw ng interbyu, maaari kayong tumawag sa Counseling Center for Foreign Workers ng HRD Korea (☎1577-0071) upang makatanggap ng serbisyo sa pagsasalin-salita (interpretasyon).
 
4. Mga Hakbang sa Ilegal na Gawain ng mga Employers
 
m Sa panahon ng pagpoproseso ng pagpaparelease at may hinalang illegal na gawain ang employer gaya ng pisikal na pang-aabuso (pambubugbog), hindi pagpapasweldo, at iba pang uri ng paglabag sa mga kondisyon sa pagtatrabaho (employment conditions) ay maaari mag-file ng petisyon laban sa kanila o kaya’y idemada sila sa mga kaugnay na ahensya.
m Ang mga employer na humahadlang sa legal na paraan ng pagpapalit ng trabaho (o pagpaparelease) ng mga dayuhang manggagawa ay maaaring idemanda o ireport sa polisya.
 
* Sangayon sa Artikulo 25 ng Batas para sa Pagtatrabaho ng mga Dayuhang Manggagawa, ang mga hahadlang sa pagpapalit ng trabaho o pinagtatrabahuhan ng mga dayuhang manggagawa ay maaaring makulong ng hindi hihigit sa 1 taon o kaya’y patawan ng multang nagkakahalaga ng hindi hihigit sa 10,000,000KRW (Batas Blg. 29).
 
m Kapag sinasadya na hindi ipasa ang report para sa pagpapalit ng trabaho ng dayuhang manggagawa (kapag nairelease ang manggagawa) at hinahadlangan niya ang pagpapalit nito ng trabaho, iimbestigahan ang dahilan sa pagpaparelease ng manggagawa tungo sa iba pang empleyado at mumultahan ang employer ayon sa pamantayan para rito.
 
* Sangayon sa Artikulo 17, Blg. 1 ng Batas para sa Pagtatrabaho ng mga Dayuhang Manggagawa, kapag hindi inireport ang tungkol sa pagpapalit ng trabaho o kaya’y kasinungalingan ang inilagay sa report, mumultahan ang nasasakdal ng hindi hihigit sa 5,000,000KRW.
 
5. Imbestigasyon tungkol sa Paggamit ng Broker at Introduksyon ng Sistema
 
<Mga Hakbang sangayon sa Resulta ng Imbestigasyon tungkol sa Paggamit ng Broker>
     Kapag napatunayang gumamit ng broker para sa paghahanap ng trabaho : demanda
     Kapag walang malinaw na katibayan tungkol sa hinalang paggamit ng broker para sa pagkuha ng trabaho : imbestigasyon ng polisya (police investigation)
     Pagpapatatag ng sistema para sa pagrereport tungkol sa paggamit ng broker
 
Mangyaring tumawag lamang kayo sa numero sa ibaba kapag may mga katanungan tungkol sa mga nabanggit sa itaas. Job Center ng Seoul, Gwanak; Foreign Workers’ Division: 02-3282-9200 (extension: 0)
***kung nais ninyong makita ang orihinal na kopya nito sa wikang Koreyano, idownload lamang ang file sa ibaba*****
 
PARA SA MGA TANONG, TUMAWAG SA 1644-0644 (extension: 7) (LAGING SARADO ANG CENTER TUWING MIYERKULES).
 
Ang pagsasalin sa itaas at iba pang mga dokumentong makikita sa www.migrantok.org ay isinagawa ng Korea Support Center for Foreign Workers (a.k.a. Korea Migrants Center). Mangyaring ilagay ninyo ang orihinal na link para dito kapag ipo-post ninyo ito sa ibang website. Maraming salamat po.


2 001.jpg
 Filesize:  360.23 KB
 Viewed:  1278 Time(s)

2 001.jpg

view list 

Jump to:  


KMcenter 137-1 Garibong 1 Dong, Guro-Gu, Seoul. TEL:02-6900-8002 FAX : 02-6900-8001 E-mail : info@migrantok.org
Copyright by 2004 MigrantWorkers Center in Korea. All right, reserved. Representative : Son Jong Ha
Supported by ONTOIN