HOME | SEARCH | LOG IN | SIGN UP
Introduction Consultation Education Events Medical Services Media Open Board
News Release
Photos Gallery
Notice/Announcement
Other Information
Funny Corner/ Tawa Naman Diyan
Event Schedule
Links to Related Sites
- Seoul
- GyeongGi-Do
- InCheon
- GwangJu
- DaeGu
- BuSan
- GangWon
- GyeongSangNam-Do
- GyeongSangBuk-Do
- JeolLaBuk-do
- JeolLaNam-do
- ChungCheongNam-Do
- ChungCheongBuk-Do
- JeJu-Do
column
 Home > Open Board > Notice/Announcement > Age Limit sa Rehiring ng EPS Workers at Paraan ng Aplikasyon para sa Rehiring

    Age Limit sa Rehiring ng EPS Workers at Paraan ng Aplikasyon para sa Rehiring
    Admin     2012/06/14 12:46 pm
  재고용_만료자_재입국_고용허가_신청서.hwp(32.5KB)  Downloaded: 1653

Magandang araw po!

Nais lamang po naming linawin ang ilang bagay tungkol sa age limit sa rehiring ng EPS Workers. Noong nakaraang Mayo 15, 2012 inanunsiyo po namin na may age limit para sa rehiring ng EPS workers. Ang pinagbatayan po namin dito ay ang basic na batas ayon sa EPS sa kadahilanang walang nabanggit na age limit sa inilabas na panukalang batas mula sa Ministry of Labor & Employment (http://migrantok.org/english/viewtopic.php?t=548). Technically, ang nasabing batas ay amendment o susog lamang kung kaya't ito'y sumusunod pa rin sa pangunahing batas ng EPS. Bukod pa rito, noong panahon ng pag-anunsiyo namin tungkol dito, wala opisyal na pahayag o sagot mula sa HRD Korea at Ministry of Labor & Employment, maging sila'y naniniwala na ito'y sumusunod pa rin sa pangunahing batas ng EPS.

Subalit, gaya ng kumakalat sa internet, may mga dayuhang manggagawang nakatanggap ng positibong sagot tungkol sa rehiring kahit na sila'y hindi na pasok sa nasabing age limit (18~39 taong gulang) (ibig sabihin, ay walang age limit para sa rehiring). Gayunpaman, wala pa rin kaming natatanggap na anumang opisyal na pahayag mula sa Ministry of Labor and Employment o HRD Korea tungkol sa isyung ito.  

Humihingi kami ng paumanhin sa kaguluhan nasabing isyu. Kung sakaling matanggap namin ang opisyal na pahayag mula sa mga institusyong nabanggit, ipagbibigay-alam namin ito sa inyo sa lalong madaling panahon.

Para naman sa mga nagtatanong kung paano ang proseso ng aplikasyon para sa rehiring, maaari ninyong i-download ang form sa ibaba. (Standard Labor Contract for Rehiring).

Maraming salamat po at hinihingi namin ang inyong lubos na pang-unawa.

***** para sa mga katanungan tumawag lamang sa 1644-0644 (laging sarado ang center tuwing Miyerkules) ****



재고용_만료자_재입국_고용허가_신청서.hwp
 Filesize:  32.5 KB
 Downloaded:  1653 Time(s)
view list 

Jump to:  


KMcenter 137-1 Garibong 1 Dong, Guro-Gu, Seoul. TEL:02-6900-8002 FAX : 02-6900-8001 E-mail : info@migrantok.org
Copyright by 2004 MigrantWorkers Center in Korea. All right, reserved. Representative : Hae Seung Kim
Supported by ONTOIN