Assingment ni Pedro
Unang pasok ni Pedro sa school at binigyan sila ng limang tanong. Sa bahay nagtanong si Pedro sa kanyang Nanay, Tatay, Ate, Kuya at Lola .
Pedro: Nay, anong sagot sa no.1?
Nanay: Punyeta ka, marami akong ginagawa!!!
Pedro: Salamat po nay (sinulat ni Pedro ang sagot).
Pumunta si Pedro sa tatay niya na nasa kubeta.
Pedro: Tay, anong sagot sa no.2? (tatay niya kumakanta).
Tatay: Doon sa kubeta doon sa kubeta.
Pumunta naman si Pedro sa ate niya na gumagawa ng mathematics assignment.
Pedro: Ate, anong sagot sa no.3?
Ate: 50 60 70 80 90 !!!
Sinulat ni Pedro ang sinabi ng ate niya. Pumunta siya sa kanyang lola na kumakanta sa karaoke.
Pedro: Lola, anong sagot sa no.4?
Lola: Dahil mahal Kita!!! (Sinulat uli ni Pedro ang sagot ng kanyang lola)
Pumunta ngayon siya sa kanyang kuya na sinusulat ang tungkol sa kanyang mga paboritong Actor sa TV.
Pdro: Kuya kuya, anong sagot sa no.5?
Kuya: I Shall Return!!!
Kinabukasan sa school, tinanong si Pedro ng kanyang teacher.
Teacher: Pedro, anong sagot sa no.1?
Pedro: Punyeta ka, marami akong ginagawa!!!
Teacher: Saan mo natutunan yan Pedro???
Pedro: Doon sa kubeta,doon sa kubeta!!!
Teacher: (galit ang teacher) Anong gusto mong grado???
Pedro: 50, 60, 70, 80, 90 !!!
Teacher: (galit) Bakit mo ako ginaganito???
Pedro: Dahil mahal Kita!!!
Teacher: (galit) Suspended ka!!!
Pedro: I Shall Return!!!