Gutom na Gutom
May isang pilipinong sumakay ng PAL papuntang San Francisco. Pagdating niya sa San Francisco International Airport, nakita niya ang kanyang kapatid na susundo sa kanya.
"Kuya kumusta"
"Mabuti rin".
"Kuya, parang namumutla ka at nanghihina? May sakit ka ba?"
"Wala naman, gutom na gutom lang ako. Puwde bang pakainin mo muna ako bago tayo mag-usap?"
"O sige ba, bakit kuya hindi ka ba nila pinakain sa eroplano?"
"Marami nga silang binigay, pero sa tuwing daumadaan sila sa akin nagtulog tulugan ako, baka kasi sisingilin nila ako eh, wala pa naman akong pambayad"