Lahat nasangga
Late nang pumasok sa klase si Kanor. Tinanong kaagad siya ng titser.
"Bakit na-late ka sa pagpasok? Naglamay ka ba ng iyong leksyon kagabi?" tanong ng guro.
"Maam, hindi po! Papasok na po ako nang makasalubong ko ang tatlong sanggano. Wala po akong nagawa kundi labanan sila. Lat po ng suntok nila ay aking nasangga." pagmamalaki ni Kanor.
"Kung nasangga mo lahat ang mga suntok nila, bakit puro pasa at namamaga iyang mukha mo?" pagtataka ng guro.
"Ito pong mukha ko ang pinangsangga ko eh!" pagmamalaki ni Kanor.